Matagumpay na negosyante na ngayon ang dating taga-pulot ng bola sa tennis court sa Pozorrubio, Pangasinan.
Si Richard Ganigan Romero, na tinaguriang “pick boy” sa kanilang bayan, ay maagang namulat sa kahirapan. Sa murang edad, nakita niya ang pagpupulot ng bola sa tennis court bilang isang pagkakataon upang kumita at makatulong sa kaniyang mga magulang.
Dahil sa sipag at tiyaga, nabigyan siya ng oportunidad na makapagtrabaho sa isang kilalang kompanya. Nagsimula siya bilang sales utility, ngunit dahil sa kanyang dedikasyon at mahusay na trabaho, siya ay na-promote bilang sales assistant, store supervisor, store manager, at kalaunan ay naging zone manager.
Ngayon, hawak na niya ang sarili niyang mga negosyo—may-ari siya ng RGR’s Lechon Manok, RGR’s Bakery, RGR’s Pizza, at ng Common Brew Franchise.
Paalala Niya sa mga kabataang dumaranas ng kahirapan na gawing hagdan ang kahirapan upang marating ang mga pangarap.
Patunay ang kwento ni Richard na ang determinasyon at pananampalataya ay kayang baguhin ang takbo ng buhay. Isang dating taga-pulot ng bola na ngayon ay boss na ng sarili niyang negosyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments