Dating Tauhan ng Drug Lord sa Santiago City, Nasamsaman ng Matataas na Kalibre ng Baril, Droga at Granada!

745

*Santiago City- *Patung-patong na kaso ang kahaharapin ng dating tauhan ng drug lord sa Lungsod ng Santiago na kabilang sa listahan na High Value Target o HVT ng PNP at PDEA Region 02 matapos salakayin ng nasabing operatiba ang kanyang bahay sa Purok #5, Sagana ng nasabing Lungsod.

Isinilbi ang search warrant kay Joselito Balid David, 29-anyos, may-asawa at residente ng Sagana, Santiago City kung saan nasamsamam ang 1 elisco m16 riffle, 1 colt 45 pistol, 1 calibre 38, ibat-ibang uri ng bala at 17 piraso ng pinaniwalaang shabu at iba pang drug parapernalya.


Si David ay dating tokhang responder ngunit bumalik siya sa kanyang iligal na gawain kaya’t minamanmanan ang kinikilos nito hanggang sa magpositibo.

Nabatid na pinagkakatiwalaan umano ng dating drug lord na si Jhonny de Leon na namatay sa search warrant operation sa Quezon City dahil rin sa iligal na aktibidadis o drug trade.

Sa ngayon ay nahaharap sa patung-patong na kaso si David dahil sa pag-iingat nito ng iligal na droga at matataas na kalibre ng baril.

Tags; 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, isabela, luzon, Joselito Balid David, Jhonny de Leon

Facebook Comments

From Advertisers