Dating U.S. Vice President Joe Biden, kumpiyansang mananalo bilang bagong presidente ng Amerika; Donald Trump, umaasa pa ring makakahabol sa electoral votes

203

Kumpiyansa si dating Vice President Joe Biden na maiuuwi ang panalo bilang bagong presidente ng Amerika matapos pumalo sa 264 ang kaniyang nakuhang boto habang nasa 214 naman si Trump.

Nabatid na ilalabas ngayong araw ang pinal na resulta na isasara sa mahigit 270 electoral votes para makuha ang naturang posisyon sa White House.


Kabilang sa nakuhang boto ni Biden ay ang Georgia, Nevada, Pennsylvania, Arizona, Michigan, New Hampshire at Wisconsin habang nakuhang boto naman ni Trump ay ang Texas, Ohio, Florida, Iowa at North Carolina.

Samantala, umaasa naman si Trump na makakahabol siya sa electoral votes sa kabila ng mga lumalabas na balita na may nangyayaring dayaan sa bilangan ng mga boto.

Facebook Comments