Dating US President Donald Trump, posibleng tumakbo muli sa 2024 US Presidential Election

93

Posibleng kumandidato ulit bilang presidente si dating US President Donald Trump sa 2024 US Presidential Elections.

Ayon kay Trump, nais niyang ipagpatuloy ang kanyang adbokasiyang iligtas ang kultura at pagkakakilanlan ng Estados Unidos.


Aniya, natitiyak din niyang mas magkakaroon ng pagkakaisa at mas magiging malakas pa ang Republican Party sa susunod na eleksyon.

Sa huli, iginiit pa rin ng dating presidente na siya at hindi si US President Joe Biden ang nanalo sa eleksiyon noong nakaraang taon.

Facebook Comments