Dating VP Jejomar Binay at dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado, nagkaayos na

140

Manila, Philippines – Nagkaayos na sina dating Vice President Jejomar Binay at dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado.

Sa magkahiwalay na panayam kapwa kinumpirma nina Binay at Mercado ang kanilang pagpapatawad sa isa’t isa.

Sinasabing ilang malalapit na kaibigan ang namagitan sa kanilang muling pagkikita na naganap sa isang restaurant sa Makati City.

Ayon kay Binay, mula nang siya’y maging aktibo sa isang bible group ay natuto na siyang magpatawad at humingi ng tawad.

Sabi naman ni Mercado totoong dinamdam niya ang pagkakaroon nila ng away ni Binay na nag-ugat sa pulitika.

Matatandaang nagkaroon ng lamat ang samahan nina Binay at Mercado matapos tumakbo bilang mayor si dating Makati City Mayor Junjun Binay.

Nauna na kasing ipinangako sa kanya ng nakatatandang Binay na siya ang susunod na tatakbong alkalde sa kanilang lungsod sa pagtatapos ng kanyang termino noong 2010.

Facebook Comments