Davao City Mayor Sara at Vice Mayor Sebastian Duterte, muling tatakbo sa 2022 election

Kinumpirma ng tagapagsalita ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pagtakbo ni Mayor Sara para sa 2022 election.

Ayon kay Liloan, Cebu Mayor Christina Frasco, muling maghahain si Mayor Sara ng kandidatura para sa pagka-alkalde.

Habang inamin din ni Frasco ang pagtakbo ni Davao City Incumbent Vice Mayor Sebastian Duterte para sa darating na eleksyon.


Matatandaang una nang sinabi ni Mayor Sara na hindi siya tatakbo ng pagkapangulo ng bansa sa darating na halalan, bilang respeto sa naging desisyon ng amang si Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagkabise-presidente.

Facebook Comments