Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at dating Senador Bongbong Marcos, nagpulong sa Davao City

142

Kinumpirma ni Senador Imee Marcos na nagpulong ang kapatid niyang si Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Pero paglilinaw ng Senadora, walang napag-usapan ukol sa posibleng pagtatambal nina Mayor Sara at dating Senador Marcos para sa presidential at vice presidential race.


Aniya, nagtungo lang sila sa Davao City para batiin ang alkalde na nagdiriwang ngayon ng kanyang kaarawan.

Pebrero nang kumpirmahin ni Atty. Vic Rodriguez na tatakbo sa 2022 si Marcos pero walang binanggit na posisyon.

Facebook Comments