Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, pinuna ang pagpapatugtog ng kantang ‘Manila’ sa Sea Games Opening Ceremony

880

Pinuna ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang paggamit ng kantang ‘Manila’ ng bandang Hotdog sa Opening Ceremony ng 30th Southeast Asian Games nitong Sabado.

Sa kanyang Instagram Post, sinabi ni Mayor Sara na dapat ikunsidera ang inclusivity lalo’t watawat ng Pilipinas ang nirerepresenta.


Tanong ng Alkalde, bakit itutugtog ang kantang ‘Manila,’ nagbuwis ba ng buhay si Lapu-Lapu para sa Manila?

Binigyang diin pa ni Mayor Sara na isa siyang Pilipino subalit hindi siya tagalog kundi isa siyang bisaya na may halong German American.

Matatandaang nasilayan sa Opening Ceremony ang kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na tila napapasayaw sa nasabing kanta habang kumakaway sa mga Pilipinong Atleta.

Facebook Comments