Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, umaasang bubuti muli ang relasyon nina PRRD at VP Leni

Umaasa si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na magiging maayos na ang relasyon ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte at ni Vice President Leni Robredo.

Ito ay matapos tanggapin ni Robredo bilang Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

Ayon kay mayor Duterte, mga magagandang programa sa kampanya kontra ilegal na droga ang nais niya.


Sinabi ni ATTY. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo, hindi takot si Robredo sa kanyang kaligtasan at bukas itong sumama sa Anti-Drug Operations.

Pero ayaw din ni Robredo na makompromiso ang operasyon kay magtatalaga na lamang siya ng mga tauhan na sasama sa drug operation.

Facebook Comments