Davao City Mayor Sara Duterte, hindi sang-ayon sa pagtatalaga ng mga pulis Davao sa Caloocan City

Davao City – Tutol si Mayor Sara Duterte-Carpio sa plano ni PNP Chief Gerenal Ronald Dela Rosa na italaga sa Caloocan police station ang ilang pulis mula sa Davao City.

Ayon sa alkalde, sa Davao City nakatira ang pangulo kaya kakailanganin ang maraming pwersa para sa seguridad nito.

Aniya, marami namang magagaling na pulis mula sa Luzon ang maaaring ipalit sa mga police Caloocan.


Matatandaang mahigit isang libong police mula sa Caloocan ang isinailalim sa retraining matapos masangkot sa ilang kontrobersiya.

Facebook Comments