Davao City Mayor Sara Duterte, naghain ng leave of absence

Naghain ng leave si Davao City Mayor Sara Duterte na magaganap mula October 5 hanggang 8.

Ayon kay Mayor Sara sa isang radio program, may mga mahahalagang bagay siya na kailangang gawin.

Magaganap ang filing of certificates of candidacy para sa national elective positions mula sa October 1 hanggang 8.


Patuloy naman ang paghikayat ng ilang grupo kay Mayor Sara na tumakbo sa pagkapangulo sa kabila nang una nitong pahayag na hindi siya tatakbo.

Una na ring naghain ng leave si Mayor Sara noong June 11 hanggang 15 dahil sa ilang personal na aktibidad at noong April 6 hanggang April 10 dahil naman sa isyu sa kalusugan na nagtungo pa sa Singapore.

Facebook Comments