Davao City Mayor Sara Duterte, nagpuntang Singapore dahil sa ‘personal health management’

174

Kinumpirma ni Davao City Mayor at Presidential Daughter Inday Sara Duterte-Carpio ang pagpunta niya sa Singapore.

Ayon sa alkalde, naka-leave siya mula April 6 hanggang 10, 2021 at mayroong travel authority mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).


Paliwanag ng alkalde, may kaugnayan sa kalusugan ang dahilan ng pag-alis nito ng bansa.

Tiniyak din nito na dumaan siya sa lahat ng protocols kabilang na ang Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction o RT-PCR test at pre-arranged din aniya ang 14-day quarantine dito.

Nabatid na alas-9:00 Martes ng umaga nang dumating si Mayor Sara sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 sakay ng Philippine Airlines flight mula Davao.

Alas-2:15 ng hapon nang sumakay ito ng Singapore Airlines flight kasama ang isang anak, kaniyang assistant at isang Presidential Security Group (PSG).



Facebook Comments