Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, ipinagtanggol ang paggamit ng kanyang ama ng oxygen concentrator

110

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte
ang kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga kritiko hinggil
sa ginagamit nito na Oxygen Concentrator.

Sa Facebook post, sinabi ni Vice Mayor Duterte, nilinaw nitong hindi lamang
ang kanyang ama ang gumagamit ng Oxygenerator kundi maging sila.

Ginagamit aniya nila ito upang mabawasan ang kanilang stress.

Nabatid na kumalat sa social media ang larawan ng Pangulo na
kapansin-pansin ang nasabing makina habang nasa loob ng kuwarto at binabati
ng mga apo sa kanyang kaarawan noong March 28.

Facebook Comments