Davao del Sur, niyanig ng 5.1 magnitude na lindol

36

Niyanig ng 5.1 magnitude na lindol ang Bayan ng Magsaysay sa Davao del Sur, alas-2:24 Huwebes ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang sentro ng lindol sa 8 kilometro timog kanluran ng Bayan ng Magsaysay.

May lalim itong 17 kilometro at tectonic ang origin.


Naramdaman naman ang Intensity 4 sa Koronadal City at South Cotabato; Intensity 3 sa Kidapawan City, Cotabato; at Intensity 2 sa Kiamba, South Cotabato at sa General Santos City.

Inaasahan naman ng PHIVOLCS na magkakaroon ng mahihinang aftershocks dahil sa pagyanig.

Facebook Comments