Davao Occidental, niyanig ng magnitude 5.2 na lindol

50

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Davao Occidental Miyerkules ng umaga.

Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nangyari ang pagyanig malapit sa bayan ng Jose Abad Santos kaninang alas-4:08 ng umaga.


May lalim itong 102 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Asahan ang aftershocks.

Facebook Comments