Davao Occidental, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

105

Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang karagatang sakop ng Davao Occidental dakong alas-7:48 kaninang umaga.

Naitala ang episentro ng lindol Timog-silangan ng Sarangani Island na may lalim na 166 kilometers.

Wala namang naitalang intensity sa lupa at wala ring inaasahang pinsala dahil sa lindol.


Pero ayon sa PHIVOLCS, posibleng magkaroon ng mga aftershock.

Facebook Comments