Davao Oriental, niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

618

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang Davao Oriental.

Ayon sa PHIVOLCS, na-monitor ang lindol kaninang ala una onse ng tanghali.


Naitala ang sentro ng lindol isang daan dalawamput isang kilometro timog silangan ng Governor Generoso Davao Oriental.

Tectonic ang origin ng pagyanig na may lalim na 28 kilometro.

Wala namang naitalang intensity at wala rin asahang pinsala o aftershock ang nasabing lindol.

Facebook Comments

From Advertisers