Daycare centers ng Pasig, tumatanggap na ng enrollees para sa School Year 2020-2021

35

Inanunsyo na ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Pasig na maaari nang ipa-enroll ng mga magulang o guardian ang kanilang mga anak na gustong nilang ipasok sa daycare center ng lungsod.

Batay sa abiso ng pamahalaan ng lungsod, maaaring ipasa ang requirements sa daycare center na malapit sa inyong tahanan tulad ng birth certificate, cedula, at voter’s certificate/voter’s ID/proof of registration.

Pero Kung wala pang cedula o voter’s certificate/ID/proof of registration sa kasalukuyan, maaari naman itong “to follow” ngunit kailangang mai-submit ang photocopy ng birth certificate ng bata.

Para sa mga magulang o guardian na magpapa-enrol sa kanilang mga anak, hanapin lamang ang teacher-in-charge ng daycare center na malapit sa kanilang lugar.

Tatagal ang nasabing enrollment hanggang sa September 30, 2020.

Facebook Comments