Dayuhang turista na nabakunahan ng COVID-19 vaccine, papayagan nang makapasok ng Israel sa susunod na buwan

225

Papayagan na ng awtoridad ng Israel na makapasok sa kanilang bansa ang mga turistang nabakunahan na ng COVID-19 vaccine.

Ayon sa Israel Embassy, bubuksan nila ang kanilang bansa simula Mayo 23,2021 para sa limitadong turista.


Pero kinakailangan pa ring sumailalim sa COVID-19 test ang mga biyahero bukod pa sa serological test bilang patunay na nabakunahan ang mga ito.

Sa kabila nito, nagpaalala pa rin ang kanilang otoridad na dapat sumunod sa kanilang health protocols ang mga dayuhang turista.

Facebook Comments