DBM at DOH, kinalampag na maibigay na ang Health Emergency Allowance sa mga health workers

Kinalampag ni Senate Committee on Health Chairman Christopher “Bong” Go ang Department of Budget and Management (DBM), at Department of Health (DOH) na bayaran na ang P6.7 billion na Health Emergency Allowance (HEA) claims ng mga healthcare workers.

Iginiit ni Go na mula pa noong pandemic ay hinihintay na mga healthcare workers ang benepisyong ito at minamandato rin ng batas na maibigay na ito sa lalong madaling panahon.

Punto ng senador, 13 pagdinig na sa Senado ang kanyang ginawa kung saan pangunahin sa tinalakay ang Health Emergency Allowance.

Dahil aniya sa pangungulit ng mataas na kapulungan ay na-i-release ang P27 billion na health emergency allowance kaya dapat lamang mabayaran ang natitira pang obligasyon sa mga health workers.

Apela ni Go sa dalawang ahensya, service rendered ito ng mga health workers na pinagpaguran at nararapat lamang na maibigay sa kanila.

Facebook Comments