DBM Sec. Pangandaman, handang tumalima sa panawagan ni Pangulo Marcos Jr.

Handa si Budget Secretary Amenah Pangandaman na tumalima sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na magpasa ng courtesy resignation ang lahat ng cabinet secretary.

Sa naging pahayag ni Pangandaman, susunod siya sa utos ng Pangulong Marcos Jr. kung saan suportado niya lahat ng desisyon nito.

Naniniwala ang kalihim na ang iniisip ng Pangulo ay para sa ikabubuti at kapakanan ng bawat Pilipino.

Base pa sa pahayag ni Pangandaman, nanatili ang kanilang paniniwala sa Pangulo sa ginagawa nitong pagsisilibi sa bayan.

Bukod pa sa mga hakbang nito sa pagsusulong ng ekonomiya na may integridad, transparency, lakas ng loob at compassion.

Facebook Comments