DDB Chair Santiago, gustong kausapin si PNP Chief ukol sa shabu lab report sa bansa

105

Manila, Philippines – Gustong makausap ni bagong Dangerous Drug Board (DDB) Chairman Dionisio Santiago si PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Ito’y para linawin ang isyu kaugnay sa naging pagkontra nito sa report ng PNP na wala nang shabu laboratory sa bansa.

Unang sinabi ni Santiago na may tatlo hanggang apat pang shabu lab sa Luzon.

Pero sa interview ng DZXL-RMN Manila, aniya, posibleng kasama na nga sa mga nadiskubre ng PNP ang tinutukoy niyang mga shabu lab.

Ayon pa kay Santiago, bilang bagong pinuno ng DDB – hangga’t maaari ay ayaw niyang pangunahan ang report ng PNP at PDEA kaugnay sa mga isyu ng iligal na droga.

Aniya, mas reliable pa rin ang report ng dalawang nabanggit na law enforcement agency.

Facebook Comments