DEAD ON ARRIVAL | Pulis patay sa pamamaril sa Alegria, Cebu

168

Cebu City – Patay ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos pagbabarilin sa Alegria, Cebu.

Kinilala ang biktima na si PO3 Jonathan Yaun Tilos na nakatalaga sa Ginatilan Police Station.

Sa Report ng PRO7 na nakarating sa Kampo Crame, nangyari ang insidente alas 8:00 ng gabi kagabi sa Barangay Poblacion, Alegria, Cebu.

Sa imbestigasyon, may nakasagutan si Tilos na motorista bago nagtungo sa isang Gym para mag work out.

Pagkatapos ang work out ay inabangan siya nang di nakilalang suspek at pinagbabaril habang pasakay ng kaniyang sasakyan

Agad tumakas ang suspek sakay ng isang itim na sasakyan.

Isinugod pa sa Reinhard Wirtgen Hospital, Alegria, Cebu ang biktima ngunit ideneklara itong dead on arrival.

Facebook Comments