DEAD ON THE SPOT | Isang lalaki, patay matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Cebu City

73

Cebu City – Dead on the spot ang isang 53-anyos na lalaki matapos tadtadrin ng bala ng riding in tandem sa Upper Nazareth, Barangay Buhisan, Cebu City.

Nakilala ang nasawi na si Pablito Castro na may tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat, naglalaro ng baraha ang biktima kasama ang ilan sa bahay ng kaniyang kaibigan nang dumating ang mga suspek saka ito pinagbabaril.

Hindi naman nakuha ang plate number ng motorsiklong ginamit ng mga suspek kung saan inaalam na ng mga pulis ang motibo sa krimen.

Facebook Comments