Deadline ng enrollment sa June 30, ipinaalala ng DepEd

Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga magulang at estudyante hinggil sa deadline ng enrollment sa Martes, June 30.

Sa ngayon, nasa 15,182,075 million pa lang ang nakakapagpalista mula sa 27.7 million expected enrollees ng DepEd para sa school year 2020-2021.

Ibig sabihin, nasa 12 milyong estudyante pa ang hindi nakakapagparehistro.


Samantala, 14,548,915 sa mga estudyante ay nag-enroll sa public schools.

Facebook Comments