Deadline ng paghahain ng Income Tax Return sa BIR, hanggang ngayong araw na lang

Magaganap na ngayong araw ang deadline ng paghahain ng Income Tax Return (ITR) ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Dahil dito, muling ipinaalala sa publiko ni BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa na hindi na palalawigin ng ahensya ang deadline ng pagpapa-file ng ITRs.

Layon nito na matulungan ang gobyernong maka-ipon na ng pondo para sa laban kontra COVID-19.


Ang orihinal na deadline ng filing ng ITRs ay nitong April 15, 2020, pero ini-urong ito ng hanggang June 15, 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments