Deadline sa pagpaparehistro ng mga bakwit para sa ayuda sa DSWD, hanggang ngayon araw na lang

139

Manila, Philippines – Ngayong araw ang itinakdang deadline ng pagpaparehistro para sa Disaster Assistance Family Access Card (DAFAC) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa DSWD, ang nasabing card ay magiging identification ng mga bakwit para sa matanggap ang limang libong pisong ayuda.

Pero, matatanggap lang ng evacuees ang pera kapag nakabalik na sila sa Marawi City.


Bukod sa pinansyal na tulong, tatanggap rin ng food pack tatlong beses kada linggo ang mga bakwit.

Aabot na sa 200,000 indibidwal na ang apektado ng nagpapatuloy na gulo sa Marawi.

Facebook Comments