Death penalty sa mapapatunayang guilty sa kasong katiwalian, isinulong sa Kamara

Isinulong ni Zamboanga City 1st District Representative Khymer Adan Olaso na mapatawan ng death penalty sa pamamagitan ng “firing squad” ang mga opisyal ng pamahalaan na mahahatulan ng Sandiganbayan sa mga kasong graft and corruption, malversation of public funds at plunder.

Nakapaloob ito sa House Bill 11211 o ang Death Penalty for Corruption Act na inihain ni Olaso na layuning matugunan ang kurapsyon na nananatiling isa sa matinding banta sa social, economic at political development ng Pilipinas.

Binanggi sa panukala na sa kabila ng maraming batas ay patuloy ang katiwalian na siyang hadlang sa pagkakaloob ng nararapat na serbisyo sa mamamayang Pilipino, paglikha ng nararapat na imprastraktura at oportunidad para sa pag-unlad.


Saklaw ng panukala ang mga public officials, mula sa pangulo ng bansa hanggang sa mga opisyal ng mga barangay.

Kasama rin ang mga nasa Lehislatura at Hudikatura, Constitutional commissions, government owned and controlled corporations at mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Facebook Comments