Death toll sa nangyaring mass shooting sa New Zealand, sumampa na mahigit 50

96

Pumalo na sa 52 ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring terror attack sa dalawang mosque sa Christchurch, New Zealand.

Isa sa mga nasawi ay isang 77-anyos na matandang lalaki at 21- anyos na estudyante habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng iba.

Samantala, humarap na sa korte ang 28-anyos na suspek na si Brenton Tarrant.

Habang dalawa pang hinihinalang suspek ang hawak na rin ngayon ng mga pulis.

Nagsagawa naman ng rally ang mga taga-New Zealand bilang pagkondena sa mass shooting at pakikiramay sa mga naulilang pamilya ng mga biktima.

Facebook Comments