DECEMBER 15 | Christmas break sa pampublikong paaralan sa bansa, pinaaga ng DepEd

Manila, Philippines – Pinaaga ng Department of Education ang Christmas break sa elementary at high school sa buong bansa.

Base sa DepEd order no. 049 na pirmado ni Secretary Leonor Briones, inaamyendahan ang DepEd order no. 25 para sa school calendar for school year 2018-2019.

Nakasaad sa bagong direktiba na sa halip na sa December 22, 2018 ang simula ng Christmas break, gagawin na itong December 15, 2018 habang magreresume o magbabalik sa January 2, 2019.


Binibigyang-halaga ng DepEd ang importansya ng pagsasama-sama ng mga magkakapamilya ngayong holiday season.

At ang kaPaskuhan ay pagkakataon para makapiling ng mga mag-aaral ang kani-kanilang mahal sa buhay.

Facebook Comments