DEDMA LANG | Rhian Ramos, tinawanan lang ang balitang nali-link daw ito kina Jolo Revilla at JM De Guzman

58

Manila, Philippines – Tinawanan lang ng aktres na si Rhian Ramos ang balitang nali-link daw ito sa mga aktor na sina Jolo Revilla at JM De Guzman.

Ito ay matapos ang break-up nila ng Fil-Chinese businessman na si Jason Choachuy.

Say ni Rhian, hindi totoo ang tsismis na may something sa kanila nina Jolo at JM kung saan ang dalawang aktor daw ang kaniyang magiging leading men sa next project niya.

Dagdag pa ni Rhian, na-mis interpret siguro siya ng mga nakakakita sa kanila lalo na at nagkakaroon sila ng series of meeting sa pagitan nina JM at Jolo.

Sa huli, sinabi ni Rhian na sanay na daw siyang ma-link kung sino man daw ang kaniyang nagiging leading men mapa-movie man daw o telebisyon kaya at dedma na lamang daw siya sa isyu.

Facebook Comments