Defense department, nanindigang walang negosasyon sa pagitan ng Maute terrorist group

42

Manila, Philippines – Walang magaganap na negosasyon sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga terorista .

Ito ang naging pahayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana matapos mabasa ang text message ni dating Marawi City Mayor Omar Solitario na nagsa sabing papakawalan ng Maute ang kanilang mga bihag pero dapat na palayain ang mga teroristang nanatiling kalaban ngayon ng tropa ng pamahalaan sa Marawi City.

Ayon kay Sec. Lorenzana huli na ang lahat para pagbigyan nila ang kahilingan ng mga terorista dahil marami na aniyang nasawi sa giyera.

Sinabi pa ni Lorenzana na kung ginawa nila ito noong unang linggo ng sagupaan ay napagbigyan pa sana sila.

Sa ngayon aniya tuloy ang kanilang operasyon laban sa Maute terrorist group sa Marawi City.

Facebook Comments