Defense Sec. Delfin lorenzana, itinangging na-cancel ang kaniyang US Visa

174

Pinabulaanan ni Department of Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana ang sinabi ni Senator Imee Marcos na nakansela ang kaniyang US Visa.

 

Ayon kay Lorenzana, wala pang ipinadadalang mensahe sa kaniya ang US Embassy na na-cancel ang kaniyang diplomatic Visa kaya hindi pa niya nakukumpirma ang impormasyon.


 

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Senator Bong Go na iche-check niya ang status ng kaniyang US Visa matapos makansela ang travel permit ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

 

Aniya, aalamin pa niya kung may kinalaman sa pagkakakulong kay Sen. Leila de Lima kung kinansela ang kaniyang US Visa.

 

Matatandaang nitong Enero 22 nang kumpirmahin ni Dela Rosa ang pagkakakansela ng kanyang US Visa.

 

Hindi naman nagbigay ng anumang rason ang US Embassy ukol sa pagkaka-revoke ng visa, pero duda ni Senator Bato ay dahil ito sa war on drugs ng Philippine National Police (PNP) na pinangunahan niya.

Facebook Comments