Defense Secretary Delfin Lorenzana, nakidalamhati sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino

47

Maging ang hanay ng Department of National Defense (DND) ay nagdadalamhati sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Ipinaabot ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kaniyang taimtim na pakikiramay sa buong pamilya Aquino.


Sa isang pahayag, sinabi ng kalihim na sa panunungkulan ni Aquino mula noong 2010 hanggang 2016 isinulong nito ang pagpapalakas ng kakayahang pandepensa at panseguridad ng bansa.

Naipasa rin ang Republic Act No. 10349, na nagpalakas sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program.

Para sa kalihim, binigyang pansin ni Aquino ang kahalagahan ng pagbibigay ng kagamitan ng militar upang mas makatugon sa mga bagong domestic at regional security challenges.

Facebook Comments