Defense Secretary Delfin Lorenzana, nanawagan ng rally para sa pagkakaisa

999

Ilang araw bago ang pagtatapos ng halalan, nanawagan si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa publiko na magkaisa para sa ikabubuti nang lahat.

Ginawa ni Lorenzana ang panawagan sa pamamagitan ng kanyang social media official account dahil sa kaliwa’t kanang protesta sa naging resulta ng eleksyon.

Ayon sa kalihim, tapos na ang eleksyon at nagsalita na ang taumbayan.


Kailangan aniyang respetuhin ito ng lahat.

Ang pagrespeto aniya sa resulta ng halalan ay ang tunay na halaga ng demokrasya sa bansa.

Ang kailangan aniya ngayon ay suportahan ng incoming elected leaders ng bansa para mas umunlad ang bansa.



Facebook Comments