
10 out 10, ganito ilarawan ng defense team ang naging kinalabasan ng pagsasagawa nila ng cross examination sa testigo ng prosekyusyon ngayong araw.
Ayon kay Atty. Michael Poa, masaya sila dahil na hit nila ang kanilang target at naisagawa ng maayos sa nasabing eksaminasyon sa pangunguna ni Atty. Carlo Narvasa.
Samantala, nagpahayag na rin ng kahandaan ang depensa sa mga testigong ilalabas ng prosekyusyon sa susunod na linggo.
Kung saan kinabibilangan ito nina Atty. Jeremy Lotoc, Regional Director ng National Bureau of Investigation (NBI) Bangsamoro Administrative Region for Muslim Mindanao (BARMM) at ni Capt. Belinda Bello, Executive Director, Legislative Security Bureau Office of the Sergeant-at-Arms ng House of Representatives.
Sa ngayon natapos naman bago mag-alas singko ang isinagawang trial ngayong araw.










