Dela Rosa, tinuligsa dahil sa pahayag nito na bigyan ng 2nd chance si Sanchez

279

Tinuligsa ng isang student leader ang pahayag ni Senator Ronald Dela Rosa na bigyan ng ikalawang pagkakataon ang murder-rape convict na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Sa pagdinig ng Senado kahapon ukol sa panukalang mandatory ROTC, sinabi ni National Union of Students of the Philippines (NUSP) Chairperson Raoul Manuel – kung hirap na itaguyod ang ganitong law enforcement at rights awareness ay magkakatalo na lamang.


Kinuwestyon din ni Manuel kung bakit ang isang rapist na mayor ay binibigyan ng second chance habang ang mga mahihirap ay madaling patayin sa ilalim ng oplan tokhang.

Ikinapikon ito ni Dela Rosa at bumuweltang inilalayo lamang ni Manuel ang isyu.

Iginiit ni Dela Rosa na nais niyang hatulan ng bitay ang dating alkalde.

Humingi naman ng paumanhin si Manuel matapos pagsabihan nina Dela Rosa, Senator Pia Cayetano at Senator Sherwin Gatchalian.

Facebook Comments

From Advertisers