DELIVERY BOY, SINAKSAK NG KANYANG KA-LIVE-IN SA BAYAN NG DASOL

25

DASOL, PANGASINAN – Nagtamo ng saksak ang isang delivery boy matapos itong saksakin ng kanyang ka live-in sa Brgy. Poblacion Dasol, Pangasinan.

Napag-alam na ang biktima ay si “Mario”, 35-anyos habang ang suspek ay kinilalang si “Marissa” 32 anyos, live-in partner ng biktima at parehong residente ng nabanggit na lugar.

Base sa ulat mula sa Dasol Police Station, ang magkalive-in ay magkasama sa kanilang tinutuluyan ng sila ay nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan hanggang sa ito ay magresulta sa mainit na pagtatalo.


Dahil sa galit ng babae ay kinuha nito ang isang kitchen knife at sinaksak ang lalaki.

Nagtamo ito ng saksak sa kanyang dibdib, dahilan upang itakbo ito sa pagamutan.

Naaresto ang suspek sa pagresponde ng otoridad habang ang biktima naman ay kasalukuyang nagpapagaling.



Haharap sa kasong Frustrated Homicide ang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng Dasol PNP.###

Facebook Comments