Delivery ng 100,000 Sputnik V vaccines, naantala – Galvez

35

Hindi na matutuloy ngayong araw ang nakatakdang delivery ng 100,000 doses ng Sputnik V vaccines mula Russia.

Paliwanag ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., makikipag-usap siya sa mga kinatawan ng Moscow para ipursige ang pagpapadala ng Russian vaccines bukas, June 9.


Hindi pa malinaw ang dahilan kung bakit maantala ang pagdating ng Sputnik V vaccines.

Gayumpaman, inaasahang makakatanggap ang Pilipinas ng isang milyong doses ng Sputnik V vaccines ngayong buwan.

Facebook Comments