
Dinumog ng mga delivery rider ng Lalamove ang representative ng kanilang kompanya dahil sa paulit-ulit na reklamo.
Ayon kay Joel Edralin at Melvin Garcia, uminit talaga ang kanilang ulo dahil pabalik-balik na sila para sa makakuha ng cash assistance pero hindi pa rin sila nakakakuha.
Anila, ilang beses na silang binigyan ng instruction na mag-fill up sa aplikasyon pero wala naman silang napapala.
Napag-alaman naman ng DZXL News na ang mga file na isinusumite ng Lalamove sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay nag-e-error kapag binubuksan.
Laman nito ang pangalan ng mga riders na pumirma sa kanilang aplikasyon.
Sinubukan ng DZXL News 558 na kuhanin ng pahayag ang mga representative ng Lalamove na nasa Makati Coliseum pero ayaw nilang magsalita kaugnay ng isyu.










