Demand sa Sinovac vaccines, patuloy na tumataas

69

Nakikita ng pamahalaan na malaki ang public demand sa Sinovac sa gitna ng nagpapatuloy na vaccination program ng gobyerno.

Ayon kay National Task Force (NTF) Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez lumalabas sa survey na ang Sinovac ang hinahanap partikular ng mga lokal na pamahalaan dahil mas madali itong mai-deploy.


Paspasan ani Galvez ang ginagawa ngayong vaccine rollout at nagkataong steady naman ang vaccine delivery ng Sinovac sa bansa.

Ani Galvez, Sinovac din ang sinu-supply sa mga emerging hotspot sa Visayas at Mindanao.

Bukod dito ay Sinovac din ang ginamit na bakuna sa pagsisimula ng vaccination sa hanay ng mga nasa A4 priority group.

Facebook Comments