Demand sa trabaho, tataas ngayong papalapit na ang pasko

79

Asahan nang tataas pa ang bilang ng trabaho sa retail sector ngayong papalapit na ang pasko kasunod ng pagbubukas ng buong kapasidad ng ilang industriya.

Ayon kay Philippine Retailers Association (PRA) President Rosemarie Ong, dahil sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya, nagkakaroon muli ng oportunidad magkaroon ng pagkakakitaan ang lahat.

Aniya, maaaring mas maganda ang magiging takbo ng huling quarter ng taon kumpara nitong nakalipas na unang kalahati ng taon.

Facebook Comments