DENGVAXIA | DOH, nanindigang hindi magbibigay sa PAO ng kopya ng master list ng mga batang nabakunahan

32

Manila, Philippines – Nanindigan ang Department of Health (DOH) na hindisila magbibigay ng kopya ng master list ng mga batang nabakunahan ngDengvaxia sa Public Attorney’s Office (PAO).Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – susundin nila ang payo ngNational Privacy Commission (NPC) na manatiling confidential ang listahan.Iginiit ng kalihim, maglalabas lamang sila ng kopya kung ipag-uutos ngkorte o government agency.Ani Duque – kapag binigyan sila ng subpoena, ilalabas nila ang listahandahil ito lamang ang kanilang proteksyon laban sa mga isasampang reklamo.Matatadaang itinutulak ng PAO ang DOH na magbigay ng kopya ng nasabingmasterlist.

Facebook Comments