DENGVAXIA ISSUE | Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Richard Gordon, tiwalang susuportahan ng mayorya ng mga senador ang kanyang report hinggil sa Dengvaxia controversy

21

Manila, Philippines – Tiwala si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senador Richard Gordon na makakakuha ng sapat na bilang ng pirma ang kaniyang report hinggil sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Gordon, hindi bababa sa 10 ang sumusuporta sa kaniyang report at maaaring lumagda ang marami sa mga susunod na araw.

Aniya, bagamat hindi pa nakalagda ang karamihang miyembro ng senado, nakausap na aniya niya sa telepono ang mga ito.

Matatandaang sa committee report na inilabas ni Gordon, kabilang sa mga pinasasampahan ng criminal charges sina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Health Secretary Janette Garin at dating Budget Secretary Butch Abad.

Una nang kinuwestyon ng ilang kasamahan ni Gordon ang maagang pagsasapubliko ng report lalo at wala pa itong pagsang-ayon ng mga kasapi ng komite.

Facebook Comments