DENGVAXIA | P1.4 billion na ibinayad sa Sanofi Pasteur para sa mga bakuna, pinare-refund ng pamahalaan

82

Manila, Philippines – Nagpadala na ng demand letter ang Department of Health (DOH) sa Sanofi Pasteur na humihiling na isauli ang P1.4 billion na ibinayad ng pamahalaan sa mga hindi nagamit na anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Sa demand letter na naka-address kay sanofi Pasteur Asia Pacific Head Thomas Triomphe, humiling din ang DOH ng zero-testing sa mahigit 830,000 na mga bata na naturukan ng Dengvangxia para matukoy kung sila ba ay dati nang nagka-dengue o hindi pa.

Humihingi rin ang DOH ng mga dokumento mula sa Sanofi para sa isinasagawa nitong mga clinical trial at iba pang pag-aaral tungkol sa nasabing bakuna

Bukod pa dito, ipinasusumite rin ang katibayan na nakapasa ang Sanofi Pasteur sa review standards ng Philippine Council for Health Research and Development.

Sa ngayon, wala pang tugon ang Sanofi hinggil sa nasabing demand letter.

Facebook Comments