DENGVAXIA VACCINE | Bilang ng mga batang namatay matapos maturukan, nadagdagan pa!

Manila, Philippines – Nadagdagan pa ang bilang ng mga batang hinihinalang namatay dahil umano sa Anti-Dengue Vaccine na Dengvaxia.

Sa interview ng RMN Manila kay Public Attorneys’ Office Chief Persida Acosta, mahigit isang daan na ang mga batang namatay na naturukan ng Dengvaxia.

Ayon kay Acosta, ngayong araw sasailalim sa pagsusuri ng pao ang ika-45 kaso ng batang nabakunahan ng Dengvaxia, nagkasakit at pagkatapos ay nasawi.


Habang isa pang batang nasawi mula sa Cebu ang nakatakda ring isailalim sa otopsiya.

Sa nasabing bilang, 44 pa ang isinailalim nila sa autopsy dahil ang ibang magulang ay ayaw nang ipagalaw ang katawan ng nasawi nilang anak.

Facebook Comments