Opisyal nang nag-umpisa ang campaign period para sa National level, partikular ang mga tatakbo sa pagka-senador at partylist.
Dahil dito, nagpaalala ang Department of Environment and Natural Resources Region 1 ukol sa pagpoposte ng mga campaign paraphernalias.
Ayon sa DENR, nakasaad umano sa Presidential Decree No. 953 na ang pagpako, pag-gun tack o kahit na pagsabit ng anumang poster sa puno ay mahigpit na ipinagbabawal.
Posibleng magdulot ng seryosong epekto para sa mga puno na posibleng maging sanhi ng pagkakitil sa mga ito.
May karampatang parusa kung saan pagmumultahin o di naman ay hahantong pa sa pagkakakulong ang sinumang lalabag sa naturang kautusan.
Patuloy naman ang paalala ng COMELEC ukol sa common poster areas sa bawat probinsya, bayan at maging sa barangay.
Nakatakda namang sagawa ang Oplan Baklas sa Region 1 o ang pagtatanggal ng mga oversized na posters at ang mga hindi nakalagay sa mga itinalagang poster areas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨