DENR, sinigurong mabibigyan ng trabaho ang mga empleyado ng PRRC

30

Handang tanggapin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ilang empleyadong apektado ng pagbuwag sa Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC).

Ayon sa DENR usec. Benny Antiporda, hinahanapan na nila ng pwesto ang mga may plantilla position na empleyado ng ahensya.


Makakaasa naman ang mga apektadong empleyado na prayoridad ng DENR ang kanilang kapakanan.

Gayumpaman, kinakailangan pa rin nilang mag-re-apply batay na rin sa Civil Service Commission (CSC).

Facebook Comments

From Advertisers