DENR Undersecretary Benny Antiporda, binigyan ng Math 101 si Infrawatch PH Convenor Terry Ridon

106

Binigyan ng lecture sa Math ni DENR Undersecretary at Spokesperson Benny Antiporda ang convenor ng Infrawatch PH na si Terry Ridon.

Ayon kay Antiporda, sa kabila ng paulit-ulit at personal na paliwanag niya kay Ridon, tuloy-tuloy pa rin ang pagpapalaganap nito ng maling impormasyon patungkol sa Manila Bay Nourishment project.

Kabilang sa ipinaliwanag niya kay Ridon ay ang P12,267 per square meter mula sa P389 million na pondong rehabilitasyon.

Taliwas ito sa pagkwenta ni Ridon na aabot sa P778,000 per meter ang ginastos sa proyekto para sa 30,000 square meters na lawak ng proyekto.

Sinabi ni Antiporda, hindi na siya magtataka kung bakit sinibak noon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Ridon matapos makailang ulit na nagbiyahe abroad sa loob ng mahigit isang taon nito sa puwesto.

Facebook Comments