DENR Usec. Antiporda, pinagre-resign ng Geographic Society of University of the Philippines matapos tawaging “bayaran” ang UP scientists

167

Bumwelta ang Geographic Society of University of the Philippines (GSUP) kay Department of Environment and Natural Resources Undersecretary Benny Antiporda matapos akusahang “bayaran” ang UP scientists.

Kasunod ito ng sinabi ni Antiporda na hindi dapat tumatanggap ng bayad ang mga taga-UP dahil pinag-aral sila sa pamamagitan ng buwis ng bayan.

Sa isang statement, sinabi ng GSUP na mali ang inasal ni Antiporda at walang katotohan ang paratang laban sa institusyon.

Dapat din na maghanap na anila ang DENR ng bago nitong tagapagsalita na may higit na kaalaman at maayos na asal bilang isang public official.

Facebook Comments